₱197-M halaga ng fake footwear, nasamsam sa Bulacan; mga dayuhang suspek, arestado

Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang halos ₱197 million na halaga ng pekeng sapatos at iba pang related items sa isang operasyon sa Barangay Inaon, Pulilan, Bulacan.
Ayon sa PNP, sinalakay ang ilang bodega matapos maipatupad ang isang search warrant na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act No. 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.
Kabilang sa mga nakumpiska ang mahigit 1,000 kahon ng pekeng tsinelas at sapatos, accessories, pati na rin ang injector at molding machines na ginagamit umano sa produksyon ng mga counterfeit product.
Lahat ng suspek sa kaso ay mga Chinese national at ngayon ay nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group, habang isinailalim sa wastong disposisyon ang mga nasamsam na ebidensya.
Ayon sa PNP, ipinapakita ng naturang operasyon ang seryosong pagtugon ng kapulisan laban sa mapanlinlang at ilegal na negosyo at ang patuloy na proteksyon sa mga lehitimong negosyante at mamimili. #
