₱1.8-M halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust sa Nueva Ecija

Mahigit ₱1.8 milllion na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng pulisya sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija umaga nitong Sabado, December 20.
Ayon sa Police Regional Office 3, umabot sa humigit-kumulang 270 grams ng naturang ilegal na droga ang na-recover, kasama ang marked money na ginamit sa transaksyon.
Isinagawa ang operasyon bandang 9:50 AM matapos ang intelligence validation ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Naaresto sa naturang operasyon ang isang umano’y high-value drug personality matapos na magbenta ng shabu sa isang undercover police operative.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Talavera Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso alinsunod sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. #
