₱100-M para sa bagong Legislative Building ng Guagua, pasok sa 2026 National Budget
May nakalaang ₱100 million na pondo sa 2026 National Budget para sa pagtatayo ng bagong Legislative Building sa bayan ng Guagua, ayon sa municipal government.
Ayon kay Mayor Tonton Torres, magsisilbi ang gusali bilang hiwalay at permanenteng tanggapan ng Sangguniang Bayan at iba pang legislative operations ng lokal na pamahalaan.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa pagsasama ng naturang proyekto sa pambansang budget sa tulong umano ni Pampanga
Sa isang Facebook post, ipinagpasalamat ng alkalde ang pagsasama ng proyekto sa pambansang badyet sa tulong nina Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo at dating kongresista na si Mikey Arroyo.
Kinilala rin ni Torres si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pag-apruba at paglagda sa General Appropriations Act of 2026.
Nitong Lunes, January 5, pinirmahan na ng Pangulo ang kabuuang ₱6.793 trillion na pondo. Target nitong tugunan ang mga pangangailangan ng bansa sa iba’t ibang sektor, partikular sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura. #
